Sigh..

Pwedeng mag vent out?

When my friend was stil pregnant, I asked her  kung ano ung plans nya with her boyfriend. Sabi nya, hesitant cia. Kase hindi lag ung baby ang aalagaan nya, pati ung asawa nya kung cla ung magkakatuluyan. I can still remember my answer then. Ang sabi ko, hindi naman need na alagaan nya ung asawa nya. Dalawa naman cla na dapat magtutulungan.

Ngayon na ako na ung nasa same situation, I can say na sometimes hindi pala talaga maiiwasan ung thought na mami-miss ko pa din ung time na dalaga pa ako. Ung panahon na single pa ako and ang pinaka problem ko lang is ung sarili ko, ung mga pusa ko, and ung ibibigay ko sa mama ko every payday.

Nakakalungkot lang na ganito ung nararamdaman ko, Maybe, ito na ung tinatawag nilang post partum depression. I know, lagi na lang me kasamang reklamo tong mga posts ko lately. Sorry, ito lang kasi ung outlet ko na hindi magrereklamo pabalik, ung hindi ako babalikan ng pag ve-vent out din. Yung tipong ndi ako magi-guilty na pagod din ung pinagshe-sharean ko ng pagiging pagod ko.

I have been on leave since February 27, and nandito na c baby since March 14. Since I gave birth, I can honestly say na ang pinaka mahabang tulog ko is 4 hours at most. Nung single pa ako, isa sa mga golden rule namin sa apartment ang wag manggising. Sleep is one of our most treasured possessions. Cguro, kami kami lang talaga ung nakakaalam nung rule na yun and hindi na talaga applicable saken un.

Marami akong bagay na nami-miss. Namely:

  • Pwede ako umalis. Anytime, anywhere, up to kung anong oras ko gusto, without telling anybody, and wondering kung ok lang ung gagawin ko.
  • The urge to splurge for myself. Sariling gastos ko para sa sarili ko. Regardless kung me wenta ung bibilihin ko or wala.
  • Sariling payment ng mga utang ko. No need to budget ng matindi. Kasi nga sarili ko lang ang iniintindi ko. Anytime pwede ko sabihan c mama na konti or hindi ako makakapagbigay this sweldo.
  • Wala akong intindihin kahit kanino. As I mentioned, ako, pusa, at sarili ko lang.

Ngayon, I am married and with a child. Wala akong regrets whatsoever. Kelangan ko lang mag vent out kase mabigat na sa loob. Alam ko naman ung problema ko eh, I am trying too hard to do everything. Ung tipong kelangan ako ung gagawa kasi ayaw ko ng may natetengga na gawain. Yung tipo na gusto ko na magpahinga kaso mauunahan ako and wala na ibang maiiwan sa bata. Yung time na antok na antok na ako and nanggigising ako pero hindi magising gising. Yung time na nagreklamo ako na pagod na ako, pero in return nagreklamo din na nakakapagod din sa office kase maraming nagtatanong. Ala naman ako laban dun kasi andito lang ako sa bahay, nde required na mag isip ng bongga. Yung tipong magpapalambing, sabay sasabihan ako na hinahanap lang nya ung lambing ko before, wherein magi-guilty na naman ako kase feeling ko, laking pagkukulang un sa part ko. Hindi din naman nagkukulang sa pagremind saken na magpahinga. Kaso ndi ko din nman kasalanan na ang sistema ng katawan ko, pag nalampasan ng antok, kahit anong aga ng pahinga ko, ndi talaga ako makakatulog. So pag nalagpasan na, good luck na saken, and un ung nde yata talaga malinaw un sa lahat kahit anong explain ko.

By nature, tahimik din ako. I enjoy ung mga instances na nde ako required magsalita. And at the same time, pag nagsalita ako galing sa pagiging tahimik, it does not necessarily mean na galit ako or nagtataray ako. Nakakapagod lang magexplain na nde ako galit, or asar, or inis everytime na magtatanong ako. Madalas din kase ung instance na paulit ulit ung sagot ko kaya me tono na pag inulit ko. Ang hirap din naman kase na dumadaldal ako na hinde pala nakikinig. I admit, kasalanan ko din naman kase alam ko na engrossed sa ginagawa, sige pa din daldal ko.

Another thing, andami kong gustong gawin, kaya lang, dahil wala naman akong pera and time na lumabas ng matagal, hanggang pangarap na lang yata talaga ung pagpaparebond at pagpa footspa ko. Actually, kahit rebond na lang. hayaan na maging parang paa ng magsasaka ung paa ko. Madaming bayarin. I doubt kung kakayanin ng konsensya ko na gumastos. Kakasama lang ng loob kasi nga kahit papano, sweldo ko pa din un.. Hay..

Un lang. masaya lang mag vent out. I don’t have any intent na i-publish to sa FB and wala naman talagang bumabasa ng blog ko regularly, so ok lang. Hopefully, walang mag react. Vent out nga lang eh.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *