Mt. Kalisungan day hike with piknikers :)

i conquered another mountain and got a new set of friends. not bad for the start of the year.

last saturday, i joined a practice climb with karl, bampy, and ton. they are from the group called piknikers mountaineers and we went to mt. kalisungan in victoria, laguna. this is the second time that i joined them and hindi nga ako nagkamali the first time. very accomodating and maasikaso cla.

anyway, we all met at the hm bus station in cubao. kakaaliw kase i was expecting na mejo marami kame. practice climb kase sasama ulit ako sa kanila next week sa cinco picos. sabit lang ako dun actually, pero major climb daw un, and considering na sa daraitan yung huli kong adventure, mejo kailangan ko talaga ng parang warm up/ practice.

mentally, i was prepared. alam ko na mahirap cia. hindi ko lang inexpect na MAHIRAP PALA TALAGA. nandun ung nahilo ako sa mga unang oras na naglalakad kame, nandun din ung halos paunahin ko na si sir ton at pinipilit ko cia na susunod na lang ako (grabe, hindi cia nagpapilit, at hinintay nya ako kahit alam kong mas napapagod cia sa kakapahinga), at ung ilang beses ako nadulas. pisikal pala and stamina ung kalaban ko. kabado tuloy ako sa darating na sabado.

some of the catches of the trip is ung pagkakaligaw namen. nasundan namin ung trail kaya lang, habang lumalaon (naks! ang lalim!), mejo nawawala na cia. buti na lang maalam mga kasama ko, nakita naman din nila after mag bushwhack (yep, may literal meaning pala ang term na ito). dito din ako maraming natutunan, c/o tips nila sir ton, sir karl, at maam bampy. naexplain nga din maigi sakin ang catch phrase ng group na “never leave a man behind”. simple pero mabigat ang meaning. at siempre, in-invite din nila ako sa group nila. first time ko ulit sumali sa group na di ko masyado kilala pero sa buong panahon na kasama ko cla at nila ako, di ko naramdaman na others ako.

sa piknikers, salamat sa adventure, sa pagalaga, sa guidance. looking forward sa mga climb na susunod. hopefully maging kasing bangis nyo din ako someday. 🙂

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *